GMA Network, Incorporated and Focus E, Incorporated is proud to present, Daisy Siete season 18, “Prince Charming and the Seven Maids.” Sa panunulat ni Ms. Suzette Doctolero, ito ang Dramaramang puno ng kakikayan, kaikiligan, ka-dramahan at total excitement.
Nagsimula ang storya sa pag-iibigan nila Marta, isang simpleng dalaga at ng mayamang binatang si Robert. Ngunit, ang pagiibigang ito ay tinutulan ng ina ni Robert na si Donya Soleded Avellana. Nagpasyang mag tanan sina Robert at Marta at ng ito ay malaman ni Donya Soledad, agad niya silang pinahanap sa kanyang mga tauhan. At ng matunton sila Marta at Robert, inutos ni Donya Soledad na ipapatay si Marta. Nilayo si Marta kay Robert at pinagbawalang makipagkita pa sa binata kahit kalian, kapalit ng kanyang buhay.
Nagpakalayo si Marta alinsunod sa utos ni Donya Soledad, kasama ang bata na kanyang dinadala. Nanirahan sila sa may dalampasigan at dun na lumaki ang kanilang anak na si Rochelle. Dahil sa pagaakala na patay na ang kanyang asawa, nagpakasal si Robert sa iba. Napangasawa nia ang mapagmataas at mayabang na babaeng si Janine at ito ay nagbunga ng isang anak na babaeng nagngangalang Izzy.
Pero sadyang mapahglaro ang tadhana. Nalaman ni Robert na buhay pa si Marta at na mayroon pala siyang anak dito. Nakipagbalikan siya kay Marta at ito ay lubos na ikinagalit ni Janine kaya inutos niya sa kanyang mga tauhan na ipapatay ang mag inang Marta at Rochelle. Sa kasamaang palad, namatay si Marta, ngunit nabuhay si Rochelle. Dinala siya ni Robert sa bahay ng mga Avellana para manirahan kasama sina Janine At izzy. Hindi nagging maganda ang pagtingin ng mag ina kay Rochelle.
Nakulong si Janina dahil napatunayan na siya ang may may sala sa pagpatay kay Marta.Sinisi ni Izzy Kay Rochelle ang pagkakabilanggo ng kanyang ina kaya ito ay nagbalak na mag higanti. Pinlano ni Izzy ang pagpatay sa ama at pinalabas na si Rochelle ang may kagagawan ng krimen.
Dahil sa takot, nagpasyang tumakas ni Rochelle at mag iba ng pangalan at hitsura upang maikubli ang tunay niyang pagkatao. Mapapadpad siya sa bahay ng mga Hontiveros kung saan siya ay maninilibihan bilang isang katulong. Doon siya makakatagbo ng mga bagong kaibigan at magsisimula ng bagong buhay. Ngunit, doon din kaya niya matatagpuan ang kanyang prince charming? ABANGAN!!
By Sbguardian Sexbomb_Junior