Delivery girl/Driver sa isang Water Drinking Station si JOPAY. Dahil hirap sa buhay at gustong makaahon, balewala sa kanya kahit na panlalaki ang trabaho. Pero sa kabila ng trabaho, kilos at gayak babae pa rin si Jopay kaya naman maraming nagkakagusto ditong mga customers na deni-deliveran niya ng tubig kahit na wa poise ang trabaho niya. Pero isa lang ang nagugustuhan ni Jopay na lalaki, ang may-ari ng water station na si MIGS (Felix Rocco). Galing si Migs sa ibang bansa, mga dalawang taon pa lang siya Pilipinas at naisipang magbukas ng sariling negosyo para na rin hahanapin ang kanyang ama sa Pilipinas. Iniwan niya ang kanyang ina sa London gawa ng nalulong ito sa masamang bisyo: Si CELESTE (Janice Jurado)
Tatay ni Jopay si PATRICIO (Dick Israel). Driver ito ng mga Alonso, a rich family who owns the biggest shoe factory in Marikina. Kapatid ni Jopay sina SUNSHINE at NOAH (Jay R de Guzman). Si Sunshine ay social climber, bulagsak, gimikera at iresponsableng anak kaya mas nakakatuwang ni Patricio sa buhay si Jopay kahit na mas nakababata ito. Model and endorser si Sunshine ng isang shoe line na pag-aari ng mga Alonzo, ang Marquina Shoes.
Namatay ang Alonso Patriarch na si ALBERTO ALONZO sa isang aksidente kaya ang asawa nitong si MRS. MARINELLA ALONZO (Marissa Sanchez) ang pumalit at nagtaguyod ng negosyo. Marinella is actually a plain sosyalerang housewife who is dependent to her son JOAQUIN ALONSO (Joshua Zamora) or JOAQS. Nang makita ni Joaqs na hindi kaya ng ina ang pamamahala sa kanilang kompanya, he decided to takeover at naipakita naman nito na kaya niya na i-manage ang multi-million peso company ng kanilang pamilya. Lihim na ikinagalit ito ni IZZY ALONSO, ang nakababatang kapatid ni Alberto, na isa lang Vice President for Marketing pagdating nito mula sa Amerika samantalang ang pamangking si Joaqs ang President and CEO. Izzy vows to get the company from Joaqs and Marinella.
Plastik si Izzy sa kanyang sister-in-law at sa mga pamangking sina Joaqs; LOUISE, isang super arteng college graduating na walang ibang alam sabihin kundi 'OMG! Really? Like, so kadiri! Eeew! As if!' at kung anu-ano pang ka-artehan; at ELIJAH (Julian Trono), ang kanilang bunso. Bagaman maarte at medyo sutil, hindi naman masama si Louise. Makikilala at magugustuhan nito ang anak ng family driver nila. Si Noah. Pero dahil sa kaartehan niya, no pansin siya dito at suplado ito sa kanya. Eventually, mapipilitan si Louise na magtrabaho sa office ng kanilang kompanya dahil gusto nito ng bagong kotse. Joaqs, her kuya, told her na kung may gusto siya, she has to work for it kaya napilitan si Louise kahit ayaw sana nitong mag-work sa sariling kompanya ng kanilang pamilya. To her surprise, sa office building rin ng kanilang kompanya nagtatrabaho (sideline) bilang service crew sa canteen si Noah sa kadahilanan na nagkasakit ang kanilang ama.
Laging magkakatagpo ang landas nina Jopay at Joaqs in several mishaps. They always meet in seemingly awkward events. Kada engkwentro, magtatalo sila at lagi nilang pag-iinitan ang isa't isa. One of their encounters was during a fashion show (shoe collections), kung saan nabangga ni Joaqs ang kakarag-karag na delivery mini-truck ni Jopay. Si Jopay pa ang galit kahit na mas malaki ang damage ng magarang kotse ni Juaqs.
On the night of their first encounter, dito rin makikita ni Joaqs ang babaeng hinding-hindi nito makakalimutan.
Isa sa mga models ng fashion show si Sunshine. Kaya pumunta sa fashion show venue si Jopay, aside from delivering water for the catering service, ay para panoorin ang kapatid. Si Sunshine ang finale. Pero matatapilok ito sa backstage at hindi makakalakad. Sa pag-panic ng lahat, maitutulak ng mga natatarantang staff si Jopay para isalang for the finale. Hindi alam ni Sunshine na si Jopay ang magiging finale. May takip ang mukha ang mga models dahil sapatos naman ang mino-model; tanging lips lang ang makikita sa mga ito. Jopay resists the staff who pushed her pero hindi na siya pinansin ng mga ito. Binihisan siya, minake-up-an at tinulak sa stage!
Rarampa si Jopay na parang aanga-anga. Ang alam niya sa models ay laging naka-pout ang lips kaya ito ang ginawa niya. Pout siya ng pout ng lips na nagkataon naman na nasobrahan ng red lipstick. Magtatawanan ang mga nanonood. Disaster ang nangyari. Pero sa gitna ng nagtatawanang crowd, sa hindi maipaliwanag na dahilan, nabighani si Joaqs sa red pouting lips ni Jopay. Sa monitor, lips ni Jopay ang pinakikita at nakatutok dun si Joaqs. Hanggang sa ibaba ang camera sa sapatos na suot nito. Lalong tatawa ang mga tao dahil sa ga-luyang mga paa ni Jopay na labas na labas dahil open shoes ang suot nito! Pagkapangit-pangit rin ng legs nito! Gulat si Joaqs. Nang makita naman ni Jopay ang mga paa sa monitor, napahiya ito at agad na nag-walk out. Sa backstage, taranta ang lahat. Kaya walang choice si Sunshine kundi ang bumalik kahit pa nahihirapan siya. Hindi magkakakitaan ang magkapatid. Pero babalik sa normal ang fashion show sa paglabas ni Sunshine sa stage.
Pupunta sa backstage si Joaqs para alamin kung sino ang babaeng nagkalat. Makakabanggan na naman niya si Jopay na nagmamadaling umaalis. Nabura na ni Jopay ang lipstick at balik na sa dati ang ayos niya na parang walang nangyari. Girian na naman sila. Pagpasok sa backstage, walang makapagturo kay Joaqs kung sino ang babaeng hinahanap niya.
Masusundan pa ng maraming beses ang pagtatagpo nina Jopay at Joaqs na laging mauuwi sa iringan, inisan at tarayan.
Magkakasakit si Patricio na nagkataong maraming utang sa mga Alonso at mapipilitan ito na si Jopay ang i-offer para maging relyebo niyang driver. Tatanggapin naman agad ni Mrs. Alonso si Jopay dahil isa itong Women's Rights advocate and she believes in gender equality kaya non-issue sa kanya kahit na babae pa ang driver niya.
Magkikita muli sina Jopay at Joaqs. This time, mayabang na si Joaqs dahil anak siya ng amo nito. Pero hindi padadaig si Jopay dahil si Mrs. Alonzo ang amo niya. Talo na naman si Joaqs. Hindi naman kakampihan ni Mrs. Alonso ang sariling anak kahit na magsumbong ito ng kung ano-ano tungkol kay Jopay. Lalong mapipikon si Joaqs.
Joaqs has a girlfriend. Si AIFHA. Si Aifha ay anak ng bestfriend ni Mr. Alonso at childhood sweetheart ni Joaqs. Mahal na mahal siya ni Juaqs. Pero may pagka-eccentric si Aifha, aside from the fact na brainless din ito at tatanga-tanga. Mapamahiin si Aifha, naniniwala siya sa soulmates at kung anu-ano pang astrological beliefs. Hindi pa siya sure kung si Joaqs na ang lalakeng para sa kanya dahil ayon sa librong kanyang binabasa, na nagkatugma naman sa panloloko sa kanya ng isang matandang babae, ang lalakeng nakatakda para sa kanya ay may malaking buhay na nunal na may buhok sa may batok na hugis puso. Kaya naman si Aifha, kahit na boyfriend na si Joaqs, ay hinahanap pa rin si soulmate.
Makikita ni Aifha ang kanyang 'soulmate' on the same night na nag-propose ng kasal si Joaqs. Aifha is blinded. She breaks up with Joaqs right there and then. And she proposes to the guy na pakasalan niya! Si guy na classmate n'ya sa astrology class at ang kalaro sa park ay iisa, si ADAM (Aaron Flores).
Devastated, maglalasing si Joaqs. He meets a minor accident and he won't be able to drive for a while. Ipapahiram muna ni Mrs. Alonso si Jopay. Joaqs sees this as an opportunity para makapaghiganti kay Jopay at dito rin niya ibubuhos ang angst sa buhay at galit sa pag-iwan sa kanya ni Aifha.
Babalikan ni Joaqs ang babaeng hindi niya makalimutan. The girl with a pouting lips. He researches kung sino 'yun. Ang alam lang niya, ang babaeng 'yun ang nagkalat sa finale. Upon learning about this, Sunshine pretends na siya 'yun. Si Sunshine ay matagal nang nagkakandarapa sa binata. At gusto niyang akitin si Joaqs dahil sa kayamanan nito. Pag-uukulan naman siya ng panahon ni Joaqs. Pero wala ang magic na naramdaman niya sa babaeng nagkalat noong fashion show. Magpapanggap rin si Sunshine na hindi niya kaanu-ano si Jopay. Kinahihiya niya ang trabaho nito. Mapipilitang makisakay si Jopay sa kapatid dahil kinagagalitan siya nito. Asang-asa si Sunshine na liligawan siya ni Joaqs.
Samantala, tuloy ang aso't pusang relasyong mag-amo nina Jopay at Juaquin. Habang panay ang pagtatalo sa halos lahat ng bagay, hindi mamamalayan ng dalawa na nahuhulog na ang loob nila sa isa't isa. Lalo pa't unti-unting nai-enjoy ni Joaqs ang company ni Jopay. Hindi nito namamalayan na nagkakaroon na sila ng affection sa isa't-isa.
Tuluyan nang nainlove si Joaqs kay Jopay nang malaman nitong si Jopay pala ang babaeng nagkalat sa fashion show. Pero kung kailan naman medyo nagkakamabutihan na ang dalawa, saka naman biglang babalik si Aifha. Natauhan na ito at na-realize na hindi totoo ang mga pinaniniwalaang pamahiin at astrological beliefs. Pero tatanggihan na ito ni Joaqs. But she won't give up that easily. Gagawa ng paraan si Aifha para paghiwalayan sina Joaqs at Jopay. Pero lagi itong papalpak and all her schemes work in favor of Jopay.
Malalaman ni Sunshine ang nangyayari kina Jopay at Joaqs kaya kamumuhian niya ang kapatid at makiki-connive kay Aifha para sirain ang dalawa. Pero palpak pa rin ang combined efforts nila.
Nang malaman naman ni Mrs. Alonzo ang tungkol kina Jopay at Joaqs ay magagalit ito kay Jopay at ilalayo dito si Joaqs. Palalayasin niya si Jopay. Dito mare-realize ni Jopay na ang true love niya ay hindi si Joaqs kundi ang talagang minamahal niya si Migs.
Babalik sa piling ni Migs si Jopay. Pero hindi siya titigilan ni Joaqs. Lalong magiging kumplikado ang sitwasyon nang malaman ni Jopay na ang dalawang lalakeng involved sa kanya ay magkapatid. Si Migs ang anak sa labas ni Alberto Alfonso. Ang kapatid na matagal nang gustong makilala ni Joaqs. Ang kapatid na may galit sa mga Alfonso at gustong maghiganti.
***
Samantala sa factory, hindi alam ni Joaqs na unti-unti nang sinasabotahe ni Izzy ang kompanya. She started building her own shoe company using her new-found lover, PETER (Tariq Jambogana), ang bestfriend at assistant ni Joaqs. Ka-kuntsaba rin ni Izzy ang isa sa mga tauhan na si RUTH (Bamba), ang kalaban ng outrageous and out of this world fashionista designer na si DANICA, ang loyal at mataray na secretary na si MONIC at ang kwela pero nagaling na production head na si WENG.
Unti-unting lulubog ang Marquina Shoes. At tatalunin ito ng bagong kumpanyang tinayo ni Izzy na ipinangalan lang nito sa iba.
Si Mrs. Alonso ay clueless na niloloko na pala sila ng kanyang sister-in-law. Si Jopay ang makakatuklas ng kalokohan nina Izzy at tutulungan niya si Joaqs para maibangon ang kompanya. Makukunsensiya si Mrs. Alonso at muling magiging mabuti kay Jopay. Magtutulungan sila hanggang sa mabawi nila ang kumpanya sa pagkakalubog sa utang.
Pero nandun pa rin ang struggle ni Jopay sa magkapatid na Joaqs at Migs na hindi pa alam nina Marinella, Louise at Elijah.
***
Ilan lamang ito sa mga nakakatuwa at nakaka-in love na mangyayari sa Daisy Siete Season 24.