DAISY SIETE SEASON 19: SYNOPSIS

Daisy Siete Season 19- “Vaklushi”

( page 2 of 3 ) Lumaganap ang balitang nawawala ang hiphop bombshell na si Rochelle dahil mahigit dalawang lingo itong hindi sumipot sa kanyang mga commitments at hindi alam ng kanyang pamilya kung nasaan siya. Ang huli nilang balita sa dalaga ay dumiretso ito sa Singapore pagkatapos ng kanyang concert dahil nag-text umano siya on the night na na-kidnap siya para sabihin na may urgent project siya sa Singapore at dumiretso na doon. Siyempre, kagagawan ito ng sindikato. Pero nang hindi na ma-kontak ng pamilya ang dalaga, they checked the airport at napag-alaman nilang hindi pala lumabas ng bansa si Rochelle. Kaya sinimulan ang paghahanap sa kanya.

Hindi alam nina Mia at Sunshine kung ano ang gagawin. Gusto nilang makatulong sa kaso ni Rochelle pero alam nilang namukhaan sila ng mga kumidnap sa dalaga kaya lost sila. They tried to forget about what happened to their idol at balak na magpalamig muna bago bumalik sa Cebu pero isang araw, sa restaurant na pinagta-trabahuhan nila, dumating ang mga kumidnap kay Rochelle para kumain! Shocked sina Mia at Sunshine lalo pa`t nagkatinginan sila ng mga kidnappers.

Takbo na naman sina Mia at Sunshine. Nagtago na naman sila at ngayon ay hindi alam ang gagawin lalo pa at hindi nila maipaliwanag kung bakit nasa Maynila rin ang mga kidnappers.

Napadpad ang dalawa sa isang sa isang comedy club kung saan may nag sho-show na mga bading. Papasok ang mga dalaga para magbakasakali na makahanap ng pansamantalang trabaho kahit sa gabi lang na yun para may mapagtaguan sila. Pero mataray ang assistant manager at sinabing nahihibang sila. Paalis na sila nang mamataan sila ng mga bading na nag-sho-show. Tatawagin sila sa stage at o-okrayin. Hindi siyempre payag ang mga bida kaya ang ginawa nila, nakipag-showdown sila sa mga bading at nakipag-baklaan din. Na-carry naman nila at naging masaya ang club sa gabing `yun.

Inis ang assistant manager kina Mia at Sunshine pero naaliw naman ang operations manager na si Jaycan (LOU VELOSO) Naisipan ng dalawa na mamasukan sa club bilang entertainers dahil kaya naman daw nila kasi nakipagsabayan pa nga sila sa mga bading. Pero bading lang ang tinatanggap ng club. Makikiusap sina Sunshine na tanggapin na sila pero hindi talaga sila pwede.

Malungkot na aalis ang dalawa. Mapapadaan sila sa dressing room na walang tao at makakaisip ng paraan si Sunshine. Dali-dali niyang nanakawin ang make up kit ng mga bading na nakasalang sa stage at hahatakin palabas si Mia.

Taka si Mia sa ginawa ni Sunshine. Pero sinabi nitong alam na niya ang gagawin para makapasok sila sa comedy club na `yun. Hindi alam ni Mia sa balak ni Sunshine pero go na rin siya. Napadpad sila sa isang ukay-ukay at ang ginamit ni Sunshine ang natitira nilang pera para bumili ng mga outrageous outfit na binarat pa nila.

Bago magsara ang club, dalawang magagandang bading ang darating at mag-o-audition. Sila sina Sunshiney at Miabelle - ang dalawang bida natin na nagpanggap na mga vaklushi.

Audition. Pakitang gilas ang dalawa. Naaliw ang mga bakla kaya pasok sila! At dahil super galing sila, in-offeran pa sila ni Jaycan ng matutuluyan. Solve ang problema ng dalawa.

Sisikat ang Comedy Club dahil sa dalawang bagong mga bading na walang nakakaalam na mga babae talaga sila.

Go to page 1 of 3 || Go to page 3 of 3

Back to Daisy Main