DAISY SIETE SEASON 19: SYNOPSIS

Daisy Siete Season 19- “Vaklushii”

Ito ay kwento ng dalawang magkaibigang sina Mia at Sunshine na pangarap maging sikat na tulad ng kanilang iniidolong si Rochelle.

Rochelle is a famous singer rapper na baguhan pa lang sa industriya pero nakakaangat na sa karibal nitong si Evette who lorded over the music industry for quite sometime. Hindi matanggap ni Evette na may baguhang nakaagaw sa kanyang trono.

Rochelle is a nice person while Evette is a pretentious celebrity na masama talaga ang ugali lalo pa at malakas ang loob niya dahil kapatid niya ang pinuno ng isang notorious gang, si RAMIL. Lingid sa kaalaman ni Rochelle, may masamang binabalak laban sa kanya ang grupo ni Evette. What started as a supposedly friendly competition turns out to be something serious and dark.

Meanwhile, malalaman nina Mia at Sunshine na magco-concert sa kanilang bayan sa Cebu si Rochelle. Kaya ganun na lang ang tuwa ng dalawa pagkat makikita na nila ang kanilang idolo.

Magtatagpo ang landas nina Rochell, Mia at Sunshine na sa isang pagkakataong babago sa mga buhay nila.

Magsisimula ang lahat sa isang concert sa isang sikat na Club sa Cebu. Present siyempre doon sina Mia at Sunshine na hindi pinalagpas ang pagkakataon na mapanood ang kanilang idolo. Kasama ni Sunshine ang kanyang kapatid na si Danica. At kasama din ni Mia ang mga kapatid na sina Louise at Myca.

Enjoy ang lahat sa concert ni Rochelle. At dahil super fans sina Mia at Sunshine, go sila sa backstage para abangan si Rochelle at magpa-picture after the concert.

Pero bago pa man makarating sa backstage, naunahan na ng gangsters ang dalawa. Masasaksihan nina Mia at Sunshine ang pag-kidnap kay Rochelloe. Dahil love na love nila ang idolo, tinangka ng dalawang tulungan si Rochelle pero napaatras sila nang makitang may mga baril pala ang mga kindnappers. Too late for them kasi na-recognize na sila.

Habulan. Makakatakas sina Mia at Sunshine at mapapadpad sila sa isang madilim na lugar. Makakakita sila ng safe place na pagtataguan nila. Ang hindi nila alam, yung pinasukan pala nila ay isang container van. Nakatulog sila without knowing na inangat na sila at lahat at isinakay sa barko.

Paggising nina Mia at Sunshine, nasa Manila na sila! Gulat ang dalawa.e in ManWhile in Manila, magkakaroon ng ibat ibang misadventures ang dalawa. Komo wala silang kaalam-alam sa lugar at takot silang bumalik sa Cebu, sumubok silang mamasukan ng kung anu-ano just to survive. No choice na kasi sila. Napadpad sila sa isang restaurant na nangangailangan ng mga waitress at nag-apply sila. Dahil wala silang matirhan, pinilit nila ang may ari ng restaurant na kunin sila kahit walang sweldo basta doon lang sila patirahin at pakainin. Pumayag naman ang may-ari dahil makakatipid siya ng husto.

Go to page 2 of 3

Back to Daisy Main